^

PM Sports

Saints binawian ang Blue Thunder

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinuha ng nagdedepen­sang kampeon na St. Clare College-Ca­loocan ang ikalawang sunod na panalo nang pataubin ang Rizal Tech­nological University, 71-53, sa 13th National Athle­tic Association of Schools, Colleges and Uni­versities (NAASCU) seniors basketball noong Linggo sa Centro Escolar University-Manila Gym.

Si guard Bong Managuelod ay gumawa ng 14 puntos habang sina Marte Gil at Jayson Ibay ay nagdagdag ng 13 at 11 puntos para sa Saints na kumawala sa ikalawang yugto tungo sa tagumpay.

May 17 puntos si Reneil Montecillo para balikatin ang baguhang Blue Thunder na nalaglag sa 1-2 baraha.

Patuloy naman ang pa­ngunguna ng CEU Scor­pions nang tusukin ang ikat­long dikit na panalo sa City University of Pasay, 96-49, sa isa pang laro.

Naunang nakalayo ang Eagles, 8-3, pero nagpa­kawala ng 11-2 bomba ang Scorpions para kunin ang 14-10 kalamangan.

Nagtuwang pa sina Sam­boy de Leon at Joseph Celso para ibigay sa Scorpions ang pinakamalaking kalamangan sa laro na 89-42.

Si Celso ay may 18 pun­tos habang si De Leon ay naghatid ng 14 para sa nanalong koponan.

Nagwagi rin ang Our Lady of Fatima University sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), 79-69, sa ikatlong seniors game.

Nagdaos din ng aksyon sa juniors at namayani ang CEU sa New Era, 83-41, habang nagwagi ang Our Lady of Fatima sa St. Clare, 59-47.

vuukle comment

ASSOCIATION OF SCHOOLS

BLUE THUNDER

BONG MANAGUELOD

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY-MANILA GYM

CITY UNIVERSITY OF PASAY

COLLEGES AND UNI

DE LEON

JAYSON IBAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with