Malditas, U-23 kasama sa Myanmar SEA Games?
MANILA, Philippines - Maaaring makasama pa ang Philippine under-23 football at ang women’s team na Malditas sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar.
Ito ay matapos ang positibong pagpupulong ng Southeast Asian Games task force ng Philippine Olympic Commitee at Philippine Sports Commission kasama ang Philippine Football Federation (PFF) na nagbukas ng pinto para sa Azkals U-23 at Malditas na makasama sa Phl delegation.
“It was a very positive meeting with football (officials),†sabi ni chef de mission Jeff Tamayo pagkatapos ng pakikipag-meeting kina PFF president No-nong Araneta at secretary-general Ed Gastanes.
Tila nakumbinsi ng mga PFF officials ang task force sa qualifications ng Malditas at Azkals U-23. Ayon kay Tamayo, gagawa ng report ang task force kina POC president Peping Cojuangco at PSC chairman Richie Garcia na siyang may ‘final say.’
“Ang Malditas ang talagang may record na super ganda because of performance,†sabi ni Tamayo matapos malaman ang tungkol sa upset win ng Malditas kontra sa pinapaborang Iran sa nagdaang AFC Women’s Asian Cup Qualifiers noong nakaraang summer. “As far as the task force is concerned, we’re okay with the women’s team.â€
Para sa U-23, ayon kay Tamayo, ikinonsidera nila ang pagkakasama sa team ng walong mainstays ng Azkals habang ang iba ay lumalaro sa United Football League.
“If we look at the team, magagaling sila as a team, they might not have won big tournaments but as individuals, they have a number of achievements na mataas,†ani Tamayo.
- Latest


















