Sweet And Spicy nagpakitang-gilas
MANILA, Philippines - Nagpakilala ang kaba-yong Sweet And Spicy nang kunin ang pangunguna sa pinaglabanang 3YO and Above Maiden Race noong Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Hindi nanlamig ang nasabing kabayo kahit nagkaroon ng delay sa pagtakbo ng karera nang lumabas ang second choice na Prelude bago bumukas ang aparato nang buo pa ring duma-ting sa karerang pinaglabanan sa 1,400-metro.
Walang epekto ang hinawakang dalawang dipang agwat ng Prelude papasok sa rekta nang gamitan ng latigo ni VM Camañero ang Sweet And Spicy para mula sa labas ay umarangkada ito tungo sa isang dipang agwat na panalo.
Unang tagumpay ito ng tatlong taong filly na pinaboran ng mga mananaya para makapaghatid ng P5.50 sa win habang ang liyamadong kumbinasyon na 7-3 sa forecast ay mayroong P16.50 dibidendo.
Ang ibang kabayo na kuminang sa unang gabi sa anim na araw na karera ay mga nadehado ng bahagya para mapasaya ang mga dehadistang tumangkilik sa race program na ginawa sa bakuran ng Manila Jockey Club.
Pinaka-longshot sa gabi ay ang Ako Ngayon na hawak ni GM Mejico at lu-maban sa class division 1A sa 1,400-metro distansya.
Tinalo ng tambalan ang nagbabalik na Angel Dugo na ginabayan ni Jeff Bacaycay para makapagbigay ng P37.00 sa win at P189.00 sa 9-1 forecast.
- Latest















