Sinusuwerteang gilas No. 1 sa Group E?
MANILA, Philippines - Kumapit ang suwerte sa Gilas Pilipinas nang magkaroon sila ng pagkakataon na mahawakan ang liderato sa Group E sa pagtatapos ng group eliminations sa 27th FIBA Asia Men’s Championships kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tinalo ng Qatar ang Chinese Taipei, 71-68, sa kanilang tagisan para buksan pa ang pintuan para sa host team na pa-ngibabawan ang grupo at kunin ang karapatang labanan ang Kazakhstan sa crossover quarterfinals na gagawin bukas.
Kalaro ng Gilas kagabi ang wala pang panalong Hong Kong (0-4) at kung mananalo ay makakatabla sa liderato ang Qatar at Chinese Taipei sa 4-1 baraha.
Kung mangyari ito, aangat ang Pilipinas sa unang puwesto dahil kinailangan ng Qatari na manalo ng 16 puntos pataas upang mahawakan ang mahalagang puwesto.
“I can get a few votes if I run President of the Philippines now,†pabirong wika ni Qatar coach Tom Wisman na nakuha ang suporta ng mga local crowd sa kanilang laban.
Unang nalagay sa ala-nganin ang hanap na panalo ng Qatar nang makabangon ang Taiwanese team mula sa 12 puntos na pagkakalubog, 54-66, at naitabla ang iskor sa 68-all sa buslo ni Lie Tien sa huling 66 segundo.
Ngunit ang suporta ng manonood ang tila nagbigay ng lakas ng loob kay Daoud Mosa na atakihin ang depensa ng katunggali tungo sa layup.
Sablay ang sunod na opensa ng Chinese Taipei bago gumawa ng split ang naturalized guard na si Jarvis Hayes para sa panalo.
Matapos hawakan ang 2-0 sa Group C, hindi nakatikim ng panalo ang Kazakhstan sa tatlong laro sa Group F para bumaba sa ikaapat na puwesto.
Huling dagok ay ipinalasap ng Iran sa 85-53 pananaig para kunin ng Iranians ang number one seeding sa grupo sa malinis na 5-0 baraha.
Kalaro ng Iran sa round-of-eight na isang knockout game ay ang 2011 runner-up Jordan na pinagpahinga ang Japan, 65-56, sa naunang laro.
Ang Korea (3-1) at China (2-2) ay nakiki-pagtuos pa sa India (4-0) at Bahrain (1-3) habang isinusulat ang balitang ito pero inaasahang magsisipanalo para hawakan ang number two at three seedings.
- Latest


















