Sevillano kampeon sa Shell Jr. active Chess Mindanao leg
MANILA, Philippines - Bumawi si top seed Rhenzi Sevillano sa pagkatalo sa fourth round nang ma-sweep ang kanyang huling 4 matches habang bumagsak ang mga dating co-leaders na sina Diego Claro, Aljie Cantonjos at Danilo Engay Jr. tungo sa pagkopo sa boys’ junior division crown sa Shell National Youth Active Chess Championships Mindanao leg sa SM Davao Event Center sa Davao City noong Linggo.
Tinalo ni Sevillano si Anthony Sagayno sa fifth round bago ang sunud-sunod na panalo kina Jason Engay, John Acedo, Jason Nabatlao at Dexter Echa-lico upang tanghalin ang San Carlos Univ. bet mula sa Cebu City bilang solo champion taglay ang eight points para makausad sa National finals ng annual event na sponsored ng Pilipinas Shell.
Natalo si Claro, sumilat kay Sevillano sa fourth round para ipuwersa ang three-way tie sa liderato kasama sina Cantonjos at Engay sa kalagitnaan ng nine-round Swiss system event, ng dalawa sa kanyang huling apat na games kabilang ang pagkatalo kay Cantonjos upang tumapos ng solo second na may 7.5 points para makakuha rin ng slot sa grand finals na nakatakda sa Sept. 14-15 sa SM Megamall.
- Latest