^

PM Sports

Pressure sa Gilas! Ang panalo ng Chinese Taipei

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Maliban sa pagpapakita ng husay sa paglalaro ng basketball, tibay sa kaisipan ang isa pang dapat na maipamalas ng Gilas National team sa huling dalawang araw sa second round ng group eliminations sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships na idinadaos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

May dagdag na pressure ngayon sa pambansang koponan matapos magsipanalo ang Qatar at Chinese Taipei sa hiwalay na laro kahapon para manati-ling nasa unahan sa Group E.

Nakitaan ng mahusay na team work ang Qataris tungo sa 75-61 panalo sa Jordan habang husay uli sa pagbuslo sa 3-point line ang ginamit ng Taiwanese team para sa madaling 94-55 tagumpay sa Hong Kong.

Ang mga panalong ito ay nagtulak din sa Qatar at Chinese Taipei na tiyakin ang mga puwesto sa quarterfinals bagama’t asahan na pupukpok pa ang dalawang teams na ito para makuha ang mga panalo sa huling dalawang laro at malagay sa unang dalawang puwesto.

Mahalaga ang placing sa round na ito dahil ang quarterfinals ay isang cross-over, knockout format.

Ang mga koponang nasa Group F ay kinabibilangan ng malakas na teams na Iran, Kazakhstan, Korea at China bukod sa Bahrain at India.

Ang Pilipinas na tumapos sa 1-1 baraha sa Group A nang yumukod sa Chinese Taipei noong Sabado ay kinaharap ang Japan (1-1) kagabi bago isunod ang Qatar ngayon at ang Hong Kong bukas.

Kung nanalo ang tropa ni coach Chot Reyes sa Japan at manaig pa sa Qatar, titibay na ang laban nila para sa number two spot sa Group E lalo pa’t patok silang manalo sa Hong Kong sa pagtatapos ng asignatura sa yugtong ito.

Kung mahawakan ito ng Nationals, ang kalaro nila sa susunod na yugto ay ang number three team sa kabilang grupo.

Pero kung sakaling malasin sila sa Japan at Qatar, malalagay na lamang sila sa ikaapat na puwesto, kung tatalunin nila ang Hong Kong.

Sa ganitong sitwasyon, mapapalaban nang husto ang Nationals dahil ang top team sa kabilang Group F ang kanilang kasukatan sa round-of-eight na maaaring hawakan ng Iran na kinuha ang ikatlong sunod na panalo sa pamamagitan ng 102-58 pagdurog sa India (0-3).

 â€œMust –win itong  three games namin at talagang kailangang ipanalo ito,” wika mismo ni Jayson William na sen-yales na alam ng mga manlalaro ang hinaharap na mahahalagang laban.

ANG PILIPINAS

ASIA MEN

CHINESE TAIPEI

CHOT REYES

GILAS NATIONAL

GROUP A

GROUP E

GROUP F

HONG KONG

JAYSON WILLIAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with