^

PM Sports

D-Rose lalaro na?

Pang-masa

DEERFIELD, Ill. – Posibleng makalaro na ang dating NBA MVP na si Derrick Rose sa unang pagkakataon matapos ang mahigit isang taon, sa pagbisita ng Chicago Bulls sa Indiana Pacers para sa preseason opener sa Oct. 5.

Sa inilabas na preseason nitong Huwebes, haharapin din ng Bulls ang Washington sa Rio de Janeiro sa Oct. 12 at sila ang magiging host sa laban kontra sa Detroit sa Oct. 16.

Inaasahang handa na si Rose matapos ‘di makapag-laro noong nakaraang season habang nagrerekober sa napunit na anterior cruciate ligament sa kaliwang tuhod.

Laging pinag-uusapan ang kalagayan ni Rose kung kalian ito makakalaro.

Sa pagkawala ni Rose, ang Bulls ay nanalo ng 45 games bago sinibak ng Miami sa second round ng playoffs sa nagdaang season.

Samantala,  ang regu-lar-season schedule ay inaasahang ilalabas ng NBA sa Martes.

Ihahayag ang  schedule sa isang NBA TV special program sa 6 p.m. EDT na katatampukan ng opening-week matchups at iba pang magandang laro.

Makikita rin ito sa NBA.com.

Dahil dito, marami nang team ang naglabas ng kanilang mga preseason schedules.

 

vuukle comment

CHICAGO BULLS

DAHIL

DERRICK ROSE

HUWEBES

IHAHAYAG

INAASAHANG

INDIANA PACERS

LAGING

MAKIKITA

POSIBLENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with