^

PM Sports

Romeo nanguna sa 1st round

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Selyado ni Terrence Romeo ng FEU ang pagiging pinakamahusay na manlalaro sa first round ng UAAP nang pangunahan ang karera para sa Most Valuable Player award.

Matapos ang 7-laro, si Romeo ay kumubra na ng kabuuang 79 total statistical points (TSP) para unahan si Bobby Ray Parks ng National University na may 76.14 TSP.

Si Parks ang una sa statistical points sa 473 laban sa 448 ni Romeo pero bumawi ang huli sa bonus points sa 105 mula sa 7-0 baraha ng Tamaraws.

May 60 bonus points si Parks mula sa 4-3 baraha.

Ang 6’8” center ng UE na si Charles Mammie ang nasa ikatlong puwesto sa 74.83 pero hindi na siya puwede sa MVP race dahil nasuspindi siya ng isang laro matapos sipain si Roider Cabrera ng Adamson.

Si Emmanuel Mbe  ng NU ang nasa ikaapat na puwesto sa 67.28 puntos bago si Roi Sumang ng UE ang kukumpleto sa unang limang puwesto sa 66.14 puntos.

Lalabas na si Romeo ang number one scorer ng liga sa kanyang 22.6 puntos bago sumunod si Sumang sa 19 puntos at Parks na may 18.9 puntos.

Si Mammie ang bumabandera sa rebonding sa kanyang 17.8 rebound kasunod ni Mbe sa 11.9 at Raul Soyud ng UP sa 10.8 board habang si Joshua Alolino at Parks ng NU ang 1-2 sa assists sa 4.9 at 4.4 averages. Si Romeo ang nasa ikatlo sa 4.1 assists.

Bawi naman si Romeo sa steals sa 1.4 swats pero kasalo siya ni Jericho Cruz ng Adamson sa may pinakamaraming turnovers kada laro na 4.1 errors.

Samantala, wala pa ring makatapat sa husay na ipinakikita ni Terrence Romeo para sa ikatlong pagkakataon ay siya uli ang ginawaran ng lingguhang ACCEL 3XVI UAAP Press Corps Player of the Week na handog din ng Gatorade.

vuukle comment

ADAMSON

BOBBY RAY PARKS

CHARLES MAMMIE

JERICHO CRUZ

JOSHUA ALOLINO

MOST VALUABLE PLAYER

NATIONAL UNIVERSITY

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

RAUL SOYUD

TERRENCE ROMEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with