MILO Marathon dinagsa ng 42,214 runners Raterta, Panique wagi sa Manila leg
MANILA, Philippines - Kung may bagay mang pinaglalaanan si LuiÂsa Raterta ng kanyang mga nakukuhang premyo sa bawat tinatakbuhang maÂrathon, ito ay ang kaÂnilang house and lot sa Lakeville Subdivision sa Sta. Rosa, Laguna.
“Ten years to pay at P700,000 ‘yung house and lot na kinuha namin. LaÂhat ng premyo ko doon ko inilalagay,†sabi ng 32-anyos na si Raterta na ina ng tatlong anak na baÂbae.
Ayon kay Raterta, kulang pa siya ng P200,000 sa kanyang hulog.
At malaki ang maituÂtuÂlong ng nakuha niyang P50,000 sa pagrereyna sa 42-kilometer race ng Manila eliminations para sa 37th National MILO MaÂraÂthon kahapon sa MOA Grounds sa Pasay City.
Nagsumite si Raterta ng oras na 03:14:17.77 paÂra talunin sina Jennylyn NoÂbleza (03:37:27.77) at Geralden Sealza (03:32:40.76).
Muntik na ring hindi makasali si Raterta sa Manila leg.
“Actually, wala talaÂga akong nakuhang race number kasi masyadong maÂraming nagpa-register sa 42K,†ani Raterta. “MaÂbuti na lang may isang tao sa MILO na nagbigay sa akin ng chance para maÂka-join. Nakiusap lang taÂlaga ako na makasali.â€
Kabuuang 2,530 runners ang nagpalista sa 42K, habang 30,184 sa 5K, 4,000 sa 21K, 3,584 sa 10K at 1,906 sa 3K paÂra sa kabuuang 42,214 biÂlang na isa nang record sa MILO Marathon.
Nakipaglaban si RaÂÂterÂta may Nobleza muÂla umÂpisa ng karera.
At nang maagaw ang unaÂhan ay hindi na niya ito binitawan.
Pinagharian naman ni Eric Panique ang men’s class mula sa kanyang tiÂyempong 02:30:20.51 paÂra kunin ang premyong P50,000 kasunod sina Irineo Raquin (02:30:20.73) at Jeson Agravante (02:41:55.78).
Sa men’s 21K, nagtala si Richard Salano ng bilis na 01:14:36 para pangunahan ang men’s division, habang nagreyna si MoÂnÂca Torres sa women’s class mula sa kanyang 01:29:57.
Nagbida sina KenÂyan runners Benjamin Kipkasi at Joan Ayabei sa men’s at women’s 10K muÂla sa kanilang mga biÂlis na 00:32:14 at at 00:38:12, ayon sa pagkaÂkaÂsunod.
- Latest