^

PM Sports

Pacers pinaplantsa na ang pagkuha kay Scola sa Suns

Pang-masa

INDIANAPOLIS -- Pi­naplantsa na ng Pa­cers ang isang trade para ma­ku­ha si Phoenix Suns forward Luis Scola, sabi ng league sources sa Yahoo! Sports.

Pinapanalisa na ng Pa­cers at ng Suns ang mga players at posibleng picks na masasangkot sa ka­ni­lang trade.

Maaaring ibigay ng Pa­cers sa Suns ang isang fu­ture first-round draft pick bukod pa sa dag­dag na draft at cash considerations kasama si guard Ge­­rald Green.

Ilang linggo nang hinahabol ng Indiana si Scola na pinapakawalan na ng Phoenix mula sa direktiba ng bagong general manager na si Ryan McDonough.

May dalawang taon pa si Scola sa Suns na nagkakahalaga ng $9 milyon.

Malaki ang maitutulong ng 33-anyos na si Scola sa frontline ng Pacers sa pagnanais na makabawi sa two-time defending champion Miami Heat.

Maaaring makapalitan ni Scola sa posisyon sa Pa­cers si David West.

Nagtala si Scola ng mga averages na 12.8 points, 6.6 rebounds at 2.2 assists sa 82 games para sa Suns no­ong nakaraang season.

Sa kanyang naunang limang seasons sa Houston Rockets, si Scola ay naging isa sa mga versatile at offensively gifted scoring at passing forwards sa NBA.

Isa siyang star sa Argentina bago maglaro sa Roc­kets noong 2007-08 season.

Matagal na siyang miyembro ng Argentina natio­nal team.

DAVID WEST

HOUSTON ROCKETS

ILANG

ISA

LUIS SCOLA

MAAARING

MIAMI HEAT

PHOENIX SUNS

SCOLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with