^

PM Sports

Bagong Barrio nagdomina

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinomina ng kabayong Bagong Barrio ang mas mababang dibisyong tinakbuhan noong Huwebes ng gabi sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ibinalik uli si Mark Alvarez bilang hinete ng kabayo na kumarera sa class division 1A sa 1,300-metro distansya at nagbunga ang tambalan nang manaig sa hamon ng Sweet Julliane.

Ito ang pinakamababang dibisyon na tinakuhan ng Bagong Barrio matapos kumarera sa class division 2 noong Mayo bago bumaba sa class division 1 noong Hulyo 13 na kung saan tumapos lamang ang kabayong hawak noon ni RC Tabor sa ikaanim na puwesto.

Kasama sa napaboran ang Bagong Barrio sa walong naglaban matapos maghatid ng P8.00 habang dehado ang Sweet Julliane upang ang 6-7 forecast ay may P48.00 dibidendo.

Bumangon naman ang kabayong Adamas mula sa pagkatalo sa huling takbo nang manaig sa 3YO Handicap race 2 na inilagay sa 1,400-metro distansya.

Si Jeff Bacaycay uli ang hinete ng kabayo at nakabawi ang tambalan sa pagkatalo noong Hulyo 10 sa kabayong Don Andres nang hiyain ang labang ga-ling sa  Real Pogi na hawak ni Jonathan Hernandez.

Ang panalo ng Adamas  ay nagpamahagi ng P33.00 sa win at P27.50 ang sa 6-10 forecast.

vuukle comment

BAGONG BARRIO

BUMANGON

DON ANDRES

HULYO

JONATHAN HERNANDEZ

MARK ALVAREZ

REAL POGI

SAN LAZARO LEISURE PARK

SI JEFF BACAYCAY

SWEET JULLIANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with