^

PM Sports

Abalos balik sa unahan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Panalong nakuha ng Hagdang Bato sa PCSO Silver Cup noong nakaraang buwan ang nagtulak sa kanyang horse owner na si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na mauna uli sa kitaan ng mga may-ari ng mga kabayo sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo.

Mahigpitan pa rin ang labanan nina Abalos at ng batikang horseowner na si Hermie Esguerra na hawak ang unang puwesto sa nagdaaang dalawang buwan ngunit bumaba nga-yon sa ikalawang puwesto.

Parehong nasa anim na milyon na ang kita nila pero inangkin ni Abalos ang taguri bilang number one matapos ang unang anim na buwan sa kinuhang P6,793,920.55 at angat lang ng mahigit na P200,000.00 kay Esguerra na may P6,555,422.33.

Dalawang panalo, da-lawang segundo lamang ang naidagdag sa karta ng mga kabayo ni Abalos pero ang 1-2 pagtatapos ng Hagdang Bato at Barkley sa Silver Cup ay sapat na para pababain si Esguerra matapos maghatid ang mga ipinanlaban ng mahigit P2.2 milyong prem-yo sa nagdaang buwan.

May 20-10-5-5 una hanggang pang-apat na pagtatapos ang mga kabayo ni Abalos habang si Esguerra ay mayroong nangungunang 47 panalo bukod pa sa 29 segundo, 11 tersero at 15 kuwarto puwestong pagtatapos.

Nanatili sa malayong ikatlong puwesto si Aristeo Puyat habang si Atty. Narciso Morales ay lumundang mula ikapitong puwesto tungo sa pang-apat at si Congressman Jecli Lapus ang nasa ikalimang puwesto.

May P4,720,401.23 napanalunan si Puyat (34-27-30-33) habang si Morales ay kumabig na ng P4,204,568.18 (29-32-30-35) at si Lapus ay may P4,168,961.05 (23-31-42-27).

vuukle comment

ABALOS

ARISTEO PUYAT

BARKLEY

CONGRESSMAN JECLI LAPUS

ESGUERRA

HAGDANG BATO

HERMIE ESGUERRA

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

NARCISO MORALES

SILVER CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with