Harden, Gordon darating ngayon
MANILA, Philippines - Pagkatapos ni LeBron James, dalawa pang NBA stars ang matutunghayan ng mga Filipino fans sa nakatakdang pagdating ngayon nina James Harden ng Houston Rockets at Eric Gordon ng New Orleans Pelicans.
“We’re excited to have All-Star James Harden and Eric Gordon join us for NBA 3X,†sabi ni Carlo Singson, ang NBA Phl country manager. “Their appearance will make this event even more exciting and will inspire players to do their best in this year’s competition.â€
Ito ang ikalawang pagkakataon na bibisita si Harden sa bansa matapos mapabilang sa Ultimate All-Star Weekend noong 2011 kasama sina NBA stars Kobe Bryant, Kevin Durant, Chris Paul, Derrick Rose at Tyreke Evans.
Ngunit mas sikat na ngayon ang may balbas na si Harden matapos i-trade ng Oklahoma City Thunder sa Rockets noong nakaarang taon kasunod ang pagkakasama niya sa All-Stars.
“I’m excited to return to the Philippines to be a part of NBA 3X,†wika ni Harden, iginiya ang Rockets sa NBA Playoffs sa unang pagkakataon matapos noong 2008-09 season kung saan niya pinangunahan ang Houston sa scoring (26.33 per game), assists (4.50 per game) at steals (2.00 per game).
“Filipinos have an unmatched passion for basketball and I look forward to meeting the fans and catching some of the best basketball talent the country has to offer,†dagdag pa nito..
Magbabalik si Harden sa bansa sa Oktubre 10 sa pagharap ng Rockets sa Indiana Pacers, ang Eastern Conference finalists, sa isang pre-season game sa MOA Arena.
Itatampok sina Harden at Gordon sa NBA 3X event na gagawin sa Hulyo 26-28 sa SM Mall of Asia.
Sina James, dumating noong Lunes ng hapon at umalis din kahapon ng umaga, Harden at Gordon ay tatlo lamang sa mga NBA players na bibisita sa bansa ngayong taon.
Nakatakda ring bumalik sa bansa si Bryant sa pamamagitan ng Lenovo Mobile sa Agosto 12 at ang Adidas endorser na si Rose sa Setyembre.
Posible ring bumisita sa bansa si His Airness Michael Jordan sa pamamagitan ng Gatorade.
- Latest