^

PM Sports

Super Liga lilipat sa MOA

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sapat na ang tatlong araw na pahinga para makabalik sa kanilang mga porma ang apat na koponan para sa pag-aagawan nila sa dalawang natitirang semifinals slots sa Philippine Super Liga (PSL) women’s volleyball tournament bukas sa Philsports Arena.

Ito ang magiging hu-ling laro ng Super Liga sa Philsports matapos ihayag ng mga organizers na ang mga natitirang semifinals matches ay lalaruin na sa MOA Arena.

Binabanderahan nina dating Ateneo hotshots Charo Soriano, Fille Cainglet at Gretchen Ho, ang third seed na Petron na nagnanais na makaganti sa sixth seed na Bingo Milyonaryo, pamumunuan nina dating La Salle stars Maureen Penetrante, Chie Saet at Michelle Gumabao.

Sa isa pang quarterfinal pairing, lalabanan ng fourth seed Cagayan Valley ang fifth seed PLDT-MyDSL, ipaparada sina dating Adamson aces Pau Soriano, Charmaine Moralde at Angela Benting.

Sa kanilang unang pagkikita, umasa ang Blaze Spikers kina Aiza Maizo at Cainglet para kunin ang 18-25, 25-21, 25-22, 25-16 panalo kontra sa Puffins.

Umasa naman ang Rising Suns kay Adamson star Shiela Pineda para igupo ang Speed Boosters, 25-16, 25-17, 27-29, 25-23.

“It’s going to be difficult,” sabi ni Petron coach Villet Ponce-de Leon.

ADAMSON

AIZA MAIZO

ANGELA BENTING

BINGO MILYONARYO

BLAZE SPIKERS

CAGAYAN VALLEY

CHARMAINE MORALDE

CHARO SORIANO

CHIE SAET

FILLE CAINGLET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with