Football, rugby at marathon sa PSA Forum ngayon
MANILA, Philippines - Football, rugby at marathom ang pag-uusapan ngayon sa PSA Forum na idaraos sa Shakey’s Malate.
Ang bumubuo ng Under-19 Teen Azkals na lalaban sa AFF Under-19 tournament sa Surabaya, Indonesia ang pangunahing panauhin sa weekly forum na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 na hatid ng Shakey’s at PAGCOR.
Ang koponan ay sasamahan nina manager Alvin Carranza at coach Marlon Maro.
Dadalo rin sina Philippine Rugby Football Union general manager Matt Cullen, ang mga miyembro ng Philippine Volcanoes na lalaban sa Asian Mens Sevens Series at mga opisyal at players ng Loyola Meralco at Global na sasabak sa Singapore Cup sa susunod na linggo.
Inaasahang darating din ang Second Secretary Bilateral and Strategic Communications ng British Embassy na si Manila Colin Glen at Shadowfax Events general manager Lawrence Plata para talakayin ang Run For Pinoy Glory 2013.
Hinihikayat ni PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror na dumalo ang mga miyembro sa alas-10:30 ng umagang session.
- Latest