World Peace posibleng mapunta sa Knicks
MANILA, Philippines - Inaasahang makiki-pagkita si Metta World Peace sa mga New York Knicks executives sa Las Vegas sa susunod na dalawang araw upang mapalapit ang free-agent forward sa isang contract agreement sa Knicks, sabi ng league sources sa Yahoo! Sports.
Ang Knicks ang na-ngungunang koponan sa pagpapapirma kay World Peace sa isang kontrata na nagkakahalaga ng $1.6 milyon para sa 2013-14 season, wika ng sources.
Maaaring makasama sa ikalawang taon ang isang player option.
Balak ng Knicks na bigyan si World Peace ng kalahati ng kanilang $3.1 million taxpayer midlevel exception.
Ang kalahati ng nasabing exception ay ginamit nila para mapanatili si guard Pablo Prigioni.
Kumpiyansa ang Knicks na pipirma sa kanila si World Peace, wika ng league sources sa Yahoo! Sports.
Nagtungo ang front office executives at coaching staff ng New York sa Las Vegas para sa NBA summer league, at inaasahang darating si World Peace sa Las Vegas sa Lunes.
Lumaki si World Peace – dating kilalang si Ron Artest – sa bahagi ng Queensbridge sa New York at nag-aral sa St. John’s University.
Hindi kinuha si World Peace sa amnesty waiver process at naging free agent noong Linggo ng gabi.
Kailangan pang bayaran ng Los Angeles Lakers ang balanse sa kontrata ni World Peace na nagkakahalaga ng $7.7 milyon para sa 2013-14 season.
Nagtala si World Peace ng mga averages na 12.4 points, five rebounds at 1.6 steals sa 75 games sa nakaraang season.
Nakipag-usap na si World Peace sa kanyang dating Houston Rockets teammate na si Yao Ming ukol sa posibleng pagla-laro nito sa Chinese Basketball Association team na Shanghai Sharks.
- Latest