^

PM Sports

Mayo pumirma ng 3-year $24M deal sa Bucks

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinapirma ng Milwaukee Bucks si free agent guard O.J. Mayo nitong Sabado na inaasahang makadadagdag sa puwersa sa opensa ng team.

Nakipagkasundo ang Bucks sa three-year, $24 million contract kay Mayo noong nakaraang linggo. Dahil sa iba’t ibang deals na inaasikaso ni general manager John Hammond, kinailangang maghintay ng Bucks hanggang nitong Sabado para maging opisyal ang kontrata.

Ang 25-gulang na si Mayo ay nag-average ng 15.3 points para sa Dallas Mavericks nitong nakaraang season at inaasahang wala siyang magiging problema sa  sa bagong lineup ng Bucks.

Gumawa si Hammond ng sign-and-trade deal sa Suns at Clippers na nagdala kay J.J. Redick sa Los Angeles at inaasahang susundan ni Monta Ellis si Redick palabas ng Milwaukee.

vuukle comment

DAHIL

DALLAS MAVERICKS

GUMAWA

HAMMOND

JOHN HAMMOND

LOS ANGELES

MILWAUKEE BUCKS

MONTA ELLIS

REDICK

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with