Mabigat na kalaban ang Iran sa FIBA-Asia
MANILA, Philippines - Ipinakita ng West Asian power na Iran ang kanilang kahandaan para sa 27th FIBA-Asia Championships matapos angkinin ang korona ng 2013 Williams Jones Cup sa Taipei noong Sabado.
Nagtala si Hamed Haddadi ng 17 points at 11 rebounds, habang nagdagdag si Oskin Sahakian ng 14 markers sa 72-67 panalo ng Iran kontra sa Chinese Taipei sa finals.
Dinala ng Iranians ang 7-0 win-loss mark bago tinalo ang Taiwenese.
Nakatakda pa nilang labanan kagabi ang Lebanese team (2-5) na hindi pinasali ng FIBA-Asia sa Men’s Championships sa Agosto 1-11 dahil sa kabiguang maresolba ang sigalot sa pagitan ng kanilang basketball federation at ng mga club teams.
Ang Iran ang siyang pumalit sa Lebanon sa FIBA-Asia tourney kung saan ang top three finishers ay makakapasok sa 2014 FIBA World Championships sa Spain.
Sa 34 edisyon ng Jones Cup, nagtabla sa ikala-wang puwesto ang Pilipinas at ang Iran sa pagkakaroon ng tig-apat na korona, habang nangunguna pa rin ang United States mula sa 15 titulo nito.
- Latest