PCSO-Bingo Milyonaryo babangon
Laro NGAYON
(Philsports Arena, Pasig City)
2 p.m. – Petron vs PCSO-Bingo Milyonaryo
4 p.m. – Cagayan Valley vs Cignal
6 p.m. – PLDT-MyDSL vs TMS-Philippine Army
MANILA, Philippines - Kung si coach Ronald Dulay ang paniniwalaan, handa nang bumangon ang PCSO-Bingo Milyonaryo mula sa masamang panimula sa Philippine Super Liga Invitational na magbabalik-aksyon nga-yong hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Buminggo na ang Puffins matapos ang tatlong laro nang padapain ang Cignal, 16-25, 25-23, 25-17, 25-21, noong Biyernes.
“Halos lahat ng mga players dito ay may trabaho at gabi lamang naisi-singit ang training ng team. Sa first two games ay wala pa talaga ang team chemistry pero unti-unti na nilang nakukuha ito. Sana lang ay magtuluy-tuloy ito,†wika ni Dulay sa koponang ibi-nabandera ng mga dating La Salle players na sina Michelle Gumabao, Stephanie Mercado, Ivy Remulla at Maureen Penetrante.
Kalaro nila ang Petron sa ganap na ika-2 ng hapon at ang magwawagi ay kakalas sa apat na koponang magkakasalo sa ikatlo hanggang ikaanim na puwesto bitbit ang 1-2 baraha.
Makakasukatan ng Cagayan Valley ang Cignal dakong alas-4 at hanap ng Lady Rising Suns ang ikaapat na sunod na panalo at unang silya para sa Final Four.
Huling laro dakong alas-6 ng gabi ay sa pagitan ng PLDT-MyDSL at TMS-Philippine Army at ang Lady Troopers ay magtatangka na kunin ang ikatlong dikit na panalo matapos ang apat na laro para patatagin ang kapit sa ikalawang puwesto.
- Latest