4th win asam ng Letran
MANILA, Philippines - Ang ikaapat na sunod na panalo ang hangad ng Letran sa pagharap sa host St. Benilde sa 89th NCAA men’s basketball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Ang laro ay nakatakda sa alas-6 ng gabi at balak ng Blazers na makaisang panalo matapos ang tatlong mapapait na kabiguan.
Unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon ang pagkiÂkita ng Lyceum at Perpetual Help at ang huli ay magsisikap na bumangon matapos lumasap ng unang pagkatalo sa kamay ng San Sebastian sa overtime, 77-78, noong Lunes.
Magiging balikatan ang bakbakan ng Pirates at Altas dahil ang manaÂnalo ang aakyat para maÂkasalo ang pahingang San Beda sa 3-1 karta.
Tinalo ng Knights ang San Sebastian, 74-69, Emilio Aguinaldo ColÂlege, 79-74, at Jose RiÂzal University, 69-66 sa overtime.
Ayaw magkumpiyansa ni coach Caloy Garcia dahil ang Blazers ay naÂging palaban pero miÂnalas lamang na hindi naÂkuÂkuha ang mahalagang break sa endgame at naÂlasap ang pagkatalo sa Red Lions, Generals, at JoÂse Rizal University Heavy Bombers.
- Latest