Kirilenko nakipagkasundo sa Nets para makasama sina Pierce, Garnett
BROOKLYN --- Nakipagkasundo na ang Nets kay free-agent forward Andre Kirilenko para sa isang two-year contract, ayon sa mga ulat.
Kumawala ang 32-anyos na si Kirilenko sa kanyang two-year contract na nagkakahalaga ng $10.2 milÂyon para sa susunod na season sa Minnesota TimÂberÂwolves para subukan ang free-agent market.
Tatanggap siya ng mas mababa sa $3.1 milyon na may player option sa kanyang ikalawang taon sa Nets.
Nagbalik ang Russian sa NBA sa nakaraang season matapos kumampanya sa kanyang bansa ng isang taÂon.
Kilala na ni Nets owner Mikhail Prokhorov si KiÂrilenko.
Naglaro siya para sa CSKA Moscow team na pagÂ-aari ni Prokhorov.
Hinabol ng Nets si free-agent Kyle Korver, ngunit puÂÂmirma ito sa Atlanta Hawks kaya nila kinuha si KiÂrilenko.
Makakasama niya sa koponan ng Nets sa susunod na season sina forwards Paul Pierce at Kevin Garnett.
Naglaro si Kirilenko ng 10 taon para sa Utah Jazz.
Sa nakaraang season, nagtala siya ng average na 12.4 points para sa Timberwolves.
Muli namang kinuha ng Brooklyn si Andray Blatche at pinalagda si Shaun Livingston.
- Latest