Milwaukee kinuha si Mayo
July 7, 2013 | 12:00am
MILWAUKEE --- Nakipagkasundo na si free agent guard O.J. Mayo sa Milwaukee Bucks para sa isang three-year, $24 million contract.
Nagposte si Mayo ng mga averages na 15.3 points at 4.4 assists sa kanyang nag-iisang season sa Dallas Mavericks.
Si Mayo ay inaasahang magiging starting shooting guard ng Bucks kapalit ni Monta Ellis, tinanggihan ang alok na two-year extension offer ng Milwaukee.
Hindi na ginamit ng 25-anyos na si Mayo, ang ikalawang taon sa kanyang kontrata sa Mavericks.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended

















