^

PM Sports

Hagdang Bato wala pang talo sa mga sinalihang stakes races

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nanatiling perpekto ang premyadong kabayo na Hagdang Bato sa mga stakes races na tinakbuhan sa taon nang idagdag ang titulong PCSO Silver Cup sa mga napanalunan na pinaglabanan noong Linggo sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Si Jonathan Hernandez pa rin ang hinete ng 2012 Horse of the Year awardee at hindi naman napahiya ang mga nanalig sa husay ng kabayo nang hindi papormahin ang stablemate na Barkley tungo sa 1-2 pagtatapos ng mga kabayong lahok ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.

Naorasan ang Hagdang Bato ng 2:06.8 sa kuwartos na 26, 25’, 25’, 24’ at 25, para sa ikatlong stakes win matapos ang PCSO Freedom Cup at Philracom Commissioner’s Cup noong Pebrero at Marso.

Nagpista ang winning connections ng coupled entries dahil kabuuang P3.2 milyon ang naibulsa ni Mayor Abalos mula sa P3.75 milyong premyo na isinahog ng nagtaguyod na Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang Hagdang Bato na nagbulsa ng P2.5 mil-yon first prize ang unang kabayo na pumasok sa mahigit apat na milyong kita dahil pumalo na sa P4,420,000.00 ang prem-yong kinabig.

Dahil oustanding ang nanalo, halagang P5.00 ang ibinigay sa win habang ang 1-6 na kumbinasyon sa forecast ay may P10.00 na ipinamahagi.

Isa pang tampok na karera ay ang Philracom Sponsored Charity Special Race na pinaglabanan sa 1,300-metro at malakas na pagdating ang ipinakita ng Ready To Rumble sa huling 50-metro para madomina ang karera.

Nagkakahalaga ng P180,000.00 ang napanalunan ng horse owner na si Bienvenido Niles Jr. sa karera na ang kinita ay ibibigay sa Philippine Foundation for Health and Development, Inc.

Hindi tumimbang ang Ready To Rumble sa huling mga takbo nito para makapagbigay pa ng P719.50 dibidendo habang ang mas dehadong 2-4 kumbinasyon sa forecast ay mayroong P1,861.50 na ipinamahagi.

vuukle comment

ANA PARK

ANG HAGDANG BATO

BIENVENIDO NILES JR.

FREEDOM CUP

HAGDANG BATO

HEALTH AND DEVELOPMENT

HORSE OF THE YEAR

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

MAYOR ABALOS

READY TO RUMBLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with