JRU, Perpetual hangad makisosyo sa liderato
MANILA, Philippines - Paglalabanan ng Perpetual Help at Jose Rizal ang ikalawang sunod na panalo habang pangala-wang dikit na tagumpay ang hanap din ng San Sebastian sa pagpapatuloy ngayon ng 89th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.
Solong nasa itaas ang Letran sa 2-0 karta pero hindi magtatagal ay makakasalo nila ang alinman sa Altas o Heavy Bombers na magsusukatan sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi.
Mauunang sasabak ang Stags laban sa Mapua sa ganap na ika-4 ng hapon at balak ni San Sebastian coach Topex Ro-binson na masundan ang 78-76 panalo sa Arellano Chief matapos matalo sa Letran sa unang laro.
Ang baguhang si Jamil Ortuoste ay magi-ging markado sa larong ito matapos gumawa ng season high na 28 puntos kaya’t dapat na tumulong ang ibang manlalaro tulad nina Fil-Am Leo de Vera at Fil-Australian Bradwyn Guinto.
“The nice thing about this team is that we don’t depend on one or two players. To win a game, it will be a collective effort,†wika ni Robinson.
Ang tropa ni coach Aric del Rosario ang nakapagtala ng pinakado-minanteng panalo sa unang linggo ng kompetis-yon nang kanilang ilampaso ang Emilio Aguinaldo College, 69-49.
Sa kabilang banda, ang Heavy Bombers ay nanaig sa Mapua, 83-72, matapos ang pag-iinit ni Philip Paniamogan na tumapos taglay ang 24 puntos mula sa pitong tres.
“I know they can shoot but we can’t outscore our opponents. Kaya depensa pa rin ang main weapon namin,†wika ni JRU coach Vergel Meneses.
Hindi man inaamin, masidhi ang hangarin ni Meneses na talunin ang tropa ni coach Aric del Rosario dahil sa Season 88, ang Altas ang nagpatalsik sa Heavy Bombers sa Final Four nang kunin ang 73-68 panalo sa playoffs.
“Pareho kami ng lakas ng JRU kaya kailangang limitahan namin ang errors. Dapat hindi rin namin bigyan ng kumpiyansa ang kanilang mga shooters para manalo,†wika ng 73-anyos na si Del Rosario.
Sina Earl Thompson, Nosa Omorogbe at Ha-rold Arboleda ang mga pagkakatiwalaan ni Del Rosario para patatagin ang pagiging isa sa palabang koponan sa titulo sa taong ito.
- Latest