^

PM Sports

Hagdang Bato masusubukan sa PCSO Silver Cup ngayon

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling ipakikita ng Hagdang Bato ang ang­king husay sa paglahok sa PCSO Silver Cup ngayong ha­pon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si Jonathan Hernandez ang hinete uli ng kabayo  na tatakbo para sa kuwadra ni Mandaluyong City Ma­yor Benhur Abalos at makakatuwang ng coupled entry na Barkley na hahawakan ni Val Dilema.

Sa mahabang 2,000-metro inilagay ang tampok na ka­rera na may post time na 4:30 ng hapon at itinalaga bi­lang race five.

Ang iba pang kasali ay ang Sulong Pinoy (FM Ra­quel Jr.), High Voltage (JB Cordero), Patron (JB Guce) at Chief Joesan (RR De Leon).

Itinataguyod ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang karera ay sinahugan ng P3.8 mil­yong premyo at ang papalaring kabayo ay maghahatid ng P2.5 milyon gantimpala sa may-ari nito.

Ang papangalawa ay mayroong P700,000.00 prem­yo, habang P350,000.00 at P250,000.00 ang mapupunta sa papangatlo at pa­pang-apat sa datingan.

Nagdomina ang Horse of the Year noong  na­ka­raang taon sa PCSO Free­dom Cup at Commis­sio­ner’s Cup na inila­gay sa 1,600-metro at 1,800-metro noong Peb­rero at  Marso.

Ang inaasahang haha­mon sa Hagdang Bato ay ang Patron  na dating hawak ni JPA Guce pero ipinagkatiwala ngayon kay Jes­sie Guce.

Palaban din ang High Vol­tage matapos manalo sa dalawa sa huling tatlong sakay  sa pagdiskarte ni Jeff Zarate.

Si Cordero ang tinapik sa karerang ito at hindi ma­layong mapalabas pa ng hinete ang husay ng High Voltage.  

 

vuukle comment

BENHUR ABALOS

CHIEF JOESAN

DE LEON

GUCE

HAGDANG BATO

HIGH VOL

HIGH VOLTAGE

HORSE OF THE YEAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with