^

PM Sports

Hindi pa iniisip ni LeBron ang 2014 summer

Pang-masa

MIAMI – Nasa isip na ni LeBron James ang darating na summer at nagsimula nang magplano para sa susunod na season ngunit wala pa sa isip niya ang 2014 summer.

Sinabi ni  James na hindi pa niya iniisip ang posibilidad na maging free agent matapos ang 12 buwan, ngunit pinagmumuni-munihan  niya ang posibilidad na makasama pa sina Dwyane Wade, Chris Bosh, Erik Spoelstra at Pat Riley para sa ilan pang championships sa Miami Heat.

“That’s the goal,’’ sabi ni James. “That’s the ultimate finish. And we all hope that can happen, obviously.’’

Maraming lumabas sa final interview session ni James ngayong season na tumagal ng 17 minuto, pati na ang kanyang pagkaatat na bumalik sa court makalipas lamang ang ilang araw bagama’t plano niyang bigyan ng panahon ang longtime girlfriend na si Savannah Brinson na naghahanda para sa kanilang kasal ilang buwan na lamang.

Umaasa rin siyang pananatilihin ng Heat ang majority ng championship roster ng nakaraang season.

Ang interesenteng balita ay ang kanyang short at long-term plans. Una, nangako siyang mas pag-iigihan pa niya sa susunod na season na hindi nakapagtatakang magagawa niya dahil mayroon siyang  apat na MVP awards, dalawang Finals MVP awards at kinikilalang ‘best player in the world.’

At tila nagpapahiwatig itong mananatili siya sa Miami pagdating ng 2014 summer.

“This is what we came here for, so that would be the ultimate,’’ sabi ni James. “But you can never ... I don’t know, life changes, things happen, and we have to be prepared for that. But this is what we all want to be here for, that’s to be able to compete for a championship each and every year. And if we can do that, then it’d be awesome.’’

Umiskor si James ng 37 points sa Game 7 ng NBA Finals kontra sa San Antonio Spurs, upang ihatid ang Heat sa ikalawang sunod na championship sa season kung saan nakuha niya ang kanyang ikaapat na MVP award.

vuukle comment

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

ERIK SPOELSTRA

JAMES

MARAMING

MIAMI HEAT

PAT RILEY

SAN ANTONIO SPURS

SAVANNAH BRINSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with