Fernandez hindi rin alam kung ano ang nangyayari sa San Beda Red Lions
MANILA, Philippines - Kahit si San Beda rookie coach Teodorico “Boyet†Fernandez ay hindi makapagbigay ng malinaw na katugunan sa kung bakit nangangapa sa tunay na porma ang 3-peat NCAA champions.
“I don’t know what’s happening. We really can’t execute our plays,†wika ni Fernandez matapos lasapin ang unang pagkatalo sa 89th season sa kamay ng Lyceum Pirates, 70-66.
Ito ang kauna-unahang panalo ng Pirates sa San Beda sa tatlong taong pag-lahok sa liga at nangyari ito nang kumulapso sa endgame ang Red Lions.
Lumamang ng 12 ang Pirates, 68-56, sa hu-ling apat na minuto pero rumatsada ang Lions ng 10-0 bomba para dumikit sa 68-66.
Pero sablay ang ala-nganing tres ni Baser Amer na nasundan pa ng isang passing error mula sa starting guard para matapos ang laban ng Lions.
“We did a good job against St. Benilde last Saturday, then, nagkaroon ng light practice kami for this game (Linggo) pero siguro nakalimutan uli ng mga bata ang dapat gawin. We missed our free throws again and marami pa ring errors,†dagdag ni Fernandez na may 1-1 karta.
Pinuna rin niya ang di magandang paglalaro ng ‘import’ na si Olaide Adeogun matapos magkaroon lamang ng tatlong rebounds ang 6’8†center sa huling laro.
Sinabi ni Fernandez na bago lumipat sa San Beda ay champion coach sa PBA D-League sa koponan ng NLEX Road Warriors, na nakausap na niya si Adeogun matapos ang unang labanan kaya’t lalo siyang nagulat at humina pa ang laro nito.
Ang maganda lamang sa pangyayari ay kasisimula pa lamang ng liga at mahaba pa ang labanan at kaya pang maibalik ang dating tikas ng Lions.
- Latest