Mga kabayo ni Esguerra bumabandera sa palakihan ng kinita sa buwan ng Mayo; Abalos, Puyat humahabol
MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang maÂgandang ipinakikita ng mga kabayo ni Hermie Esguerra para iwanan ang iba pang horse owners kung kita sa horse racing matapos ang buwan ng Mayo ang pag-uusapan.
Sa ikalawang sunod na buwan ay halos isang milÂÂyon muli ang kinita ng mga ipinanlaban ni Esguerra sa nagdaang buwan.
Ang nasabing businessman/sportsman ay kuÂÂmita ng premyong P5,416,151.30.
May pitong panalo, apat na segundo, isang tersero at tatlong kuwarto puwesto ang mga naitala ng mga kabayo mula sa nasabing stable para maiÂangat ang naitalang record sa 42 panalo, 27 segundo, 10 tersero at 11 kuwarto puwestong pagtatapos.
Si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ang nananatili sa ikalawang puwesto.
Ngunit nananakot naman si Aristeo 'Putch' PuÂyat na agawin ang natuÂrang puwesto sa pagdikit nito sa P4,553,844.86 ang premyong napanalunan ni Abalos.
Nakalalamang na lang siya ng mahigit sa P200,000.00 kay PuÂyat mula sa naitalang P4,309,215.68.
May 18 panalo, waÂlong segundo, at tig-liÂmang tersero at kuwarto puÂwesto ang kabuuang karta ng mga panlaban ni Abalos.
Pero dalawang panalo at daÂlawang tersero puwesto lamang ang kinabig ng mga inilaban ng AlkalÂde sa buwan ng Abril.
Sa kabilang banda, ang mga entrada ni Puyat ay may kinuhang limang paÂnalo, anim na segundo, limang tersero at isang kuwarto puwesto.
Sa likod ng mga ito ay nagposte si Puyat ng 31-23-29-27 baraha.
Isinulong niya ang kinita sa P4,309,215.68.
Umangat naman sa ikaapat na puwesto si Jecli Lapus buhat sa kanyang premyong P3,863,501.96 (25-23-21-20), habang si Eduardo Gonzales ang nasa pang-limang puÂwesto sa kanÂyang napanalunang P3,621,896.63 (25-23-21-20).
Nanatili sa ikaanim na puwesto si Harry Aguilos sa kanyang P3,387,235.46 (23-29-21-19).
Ang sumunod ay sina Atty. Narciso Morales sa P3,375,225.52 (22-2-6-25-30), Jade Bros. Freight sa P2,891,422.85 (19-17-24-26), Leonardo NaÂval sa P2,754,175.52 (22-12-19-15) at FB ReÂyes sa P2,671,170.83 (24-15-7-7).
- Latest