My Big Osh hindi napigilan sa panalo sa Metro Turf
MANILA, Philippines - Hindi napigil ang malakas na pagdating ng My Big Osh para mapanalunan ang tinakbuhang karera noong Linggo sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Si Jessie Guce ang sakay ng kabayo na nakabawi matapos pumangalawa sa huling takbo sa nasabing kaÂrerahan noong nakaraang Hunyo 14 sa Walk The Talk.
Isang Philracom Racing Festival-NHGHR-6 ang kaÂrera na inilagay sa 1,200-metro distansya at ang Walk The Talk ay tumapos sa pang-apat na puwesto.
Ang My Jopeng, King Patrick, Walk The Talk at Bay Area Babe ang naunang naglaban, habang nasa maÂlayong pang-anim na puwesto sa pitong tumakbo ang My Big Osh.
Pero hindi naging problema ito dahil sa huling kurÂbada ay nag-init na ang kabayong diniskartehan ni GuÂce at sa rekta ay nakasabayan ang King Patrick na giÂnabayan ni John Alvin Guce.
Ilang tulak pa ni JB Guce at nasa unahan na ang daÂlang kabayo para sa panalo.
Isa sa paborito ang My Big Osh para makapaghatid ng P9.50 sa win pero dahil dehado ang King Patrick kaÂya’t ang 1-6 forecast ay naghatid ng P83.00 dibidendo.
Ang ikalawang kabayo na naipanalo ni JB Guce ay ang Angel Of Mine sa isang NHG 3YO-HR-3 sa 1,400-metro distansya.
Sinakyan lamang ng Angel of Mine ang ayre na dinala ng Pro Rata mula sa simula ng karera hanggang sa huling 100-metro bago kinuha ang bandera at iniwan ang kalaban ng dalawang dipa sa meta.
Halagang P12,000.00 ang naibigay ng nanalong tambalan sa kanilang connections, habang ang win ay may P13.50 at ang dehadong Pro Rata na sakay si RusÂtico Telles para sa 10-1 forecast ay may P265.00 diÂbidendo.
Si RO Niu Jr. ang hineteng nakapaghatid ng piÂnakadehadong panalo matapos igiya ang A Toy For Us sa race one.
Nanalo noon pang Mayo 24 sa nasabing racing club, banderang-tapos ang panalong itinala ng A Toy For Us sa NHG Handicap Race 3.
Kumabig ang mga tumaya sa A Toy For Us ng P46.00, habang ang dehado pang 3-1 forecast ay may P710.00 dibidendo.
- Latest