Rivers umatras na sa pakikipag-usap sa Clippers
BOSTON -- Ipinagbigay-alam ni Doc Rivers sa Los Angeles Clippers na hindi na siya kandidato para sa coaching job at pag-aaralan na lamang ang kanyang kinabukasan sa Boston Celtics, sinabi ng league sourÂces sa Yahoo! Sports.
Bumagsak ang naunang usapan ng Celtics at Clippers kung saan nadismaya sina Rivers at Celtics geneÂral manager Danny Ainge.
Gusto ni Ainge ng isang first-round draft pick muÂla sa Clippers para pakawalan si Rivers mula sa kanyang kontrata.
Ngunit inalok lamang ng Clippers ang Celtics ng isang future second-round pick.
May nagsasabing ayaw bayaran ni Celtics team owÂÂner Donald Sterling ang five-year, $35 million contract ni Rivers.
Pinipilit ni free-agent star Chris Paul ang Clippers na kunin si Rivers bilang coach.
Kung hindi mahuhugot si Rivers ay payag si Paul na sumailalim kina Lionel Hollins, Brian Shaw o Byron Scott.
- Latest