Tama ang desisyon ni Austria
MANILA, Philippines - Hindi nagkamali sa ginawang desisyon si coach Leo Austria nang kunin ang serbisyo ni Justin Williams para magtagumpay ang San Miguel Beer sa misyon na angkinin ang titulo sa ASEAN Basketball League.
Si Williams na naunang naglaro sa PBA sa Globalport ay ipinasok bilang ikatlong import ng koponan matapos kunin ang mahusay na scorer na sina Gabe Freeman at Matt Rogers.
Noong napasok sa koponan ang 6’9†import ay may balita pang mapapalitan ito matapos malibre sa PBA si Evan Brock na tinulungan ang Indonesia Warriors na magkampeon noong nakaraang season laban sa Beermen.
Ang pananatili kay Williams ay nagkaroon ng bunga dahil siya ang tunay na nagbigay-tibay sa depensang siyang tinuran ni Austria na tunay na susi sa paghagip ng koponan ng kampeonato sa ikaapat na taon ng regional basketball league.
“Justin doesn’t score much but he was perfect for us. He makes the opponent think twice before dri-ving inside with his shotblocking prowess,†wika ni Austria.
May 13 laro ang sinalihan ni Williams at bagama’t nagtala lang siya ng 7.54 puntos average, bumawi siya sa 4.08 average sa blocks bukod sa 7.54 rebounds kada-laro.
Sa finals laban sa Warriors, ang import na mahahaba ang galamay ay naghatid ng 15 blocks sa tatlong laro.
“We have San Miguel Beer’s winning reputation to uphold and we were very focused on that during the season. We are a talented team down to our last man but we know defense wins championships,†dagdag ni Austria.
Kinatampukan ang mabungang kampanya ng Beermen sa ABL ng pagrerehistro ng 16-game winning streak na isang bagong record sa liga.
Ang Beermen ang ikalawang koponan mula Pilipinas na hinirang na kampeon ng liga. Ang una ay ang Philippine Patriots na dinomina ang unang taon ng ABL noong 2009 at ang tinalo sa finals ay ang Satria Muda BritAma ng Indonesia.
- Latest