Donaire muling lalabanan si Darchinyan ngayong 2013
MANILA, Philippines - Posibleng matuloy na ang rematch nina daÂting unified world super banÂtamweight champion NoÂnito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. at Vic DarÂchinyan ngayong taon.
Maaaring maplantsa ang banggaan nina DoÂnaire at Darchinyan sa OkÂtubre o Nobyembre.
Nakatakdang kausapin ni Bob Arum ng Top Rank ProÂmotions ang 30-anyos na si Donaire para sa kanÂyang ikalawang laban ngaÂyong taon.
Natalo si Donaire kay Cuban unified super bantamweight titlist GuilÂlermo Rigondeaux via unanimous decision noÂong Abril 13.
Bago naman mataÂlo kay Rigondeaux, ang two-time Olympic Games gold medalist ng Cuba, ay apat na sunod na panalo ang ipinoste ni Donaire noÂong 2012.
Ang mga ito ay sina WilÂÂfredo Vasquez, Jr. Jeffrey Mathebula, Toshiaki Nishioka at Jorge Arce.
Ang pagkatalo kay RiÂgondeaux ang kauna-unaÂhan ni Donaire matapos ang 12 taon.
“I think that in the next week or so, we’ll be haÂving more serious talks with his management and with HBO,†sabi ni Arum sa panayam ng BoxingScene.com.
Hindi pa masabi ni Arum kung maitatakda niÂÂya ang muling paghahaÂrap nina Donaire at DarÂchinyan.
“We’ll figure out when he’s coming back and who he’s gonna be against,†dagdag pa ng 81-anyos na si Arum sa tuÂbong Talibon, Bohol na si Donaire.
Tinalo ni Donaire si Darchinyan via fifth-round KO noong Hulyo ng 2007 para agawin sa ArÂmenian fighter ang mga suot nitong InternatioÂnal Boxing Federation at International Boxing OrÂÂganization flyweight titles sa Connecticut, USA.
- Latest