^

PM Sports

Matapos muling madepensahan ng spurs sa game 3 LeBron nangakong babawi sa Game 4

Pang-masa

SAN ANTONIO -- Ka­gaya sa Game 1, mu­ling nakontrol ng San Antonio Spurs si Miami Heat superstar LeBron James sa Game 3 ng kanilang NBA best-of-seven championship series.

Ang tsansa ng Miami Heat na mapanatiling suot ang kanilang NBA title ay nakasalalay kung ano ang ilalaro ni James sa ka­nilang serye.

Tumipa si James ng 15 points, ang siyam dito ay kanyang ginawa sa dulo ng third quarter kung saan nakalayo na ang San Antonio.

May 4 points lamang si­ya sa first half na unang nangyari matapos noong 2003.

At sa ika-10 beses sa kan­yang career ay nabigo siyang tumira sa free throw line.

Huling nangyari ito no­ong 2009.

“I’m just missing shots,” sabi ni James. “They’re going under my pick-and-rolls, they’re daring me to shoot and anytime I get into the paint they’re putting two bodies in front of me. When I get in transition they’re putting two bodies in front of me. They’re doing a good job, but also I’ve got to be able to knock down shots. If I knock down shots, that would draw them closer to me and I’d be able to get into the lane.”

Nilimitahan ng Spurs si James sa 18 points sa Game 1 at 17 points sa Game 2 at 15 points sa Game 3.

“We haven’t stopped any­body,” sabi ni Spurs coach Gregg Popovich.

Hindi lamang si James ang napigilan ng San An­to­nio.

Hindi nakaiskor ang da­lawang starters ng Mia­mi na sina Udonis Haslem at Mario Chalmers.

Nagtala si James ng 7-for-21 fieldgoal shoo­ting.

Naimintis din niya ang 10 sa 11 tira na karamihan ay mula sa mga jump shots.

“I’m hoping that he con­­tinues to miss shots,” pa­nalangin ni San Antonio guard Danny Green sa ilalaro ni James.

DANNY GREEN

GREGG POPOVICH

IF I

JAMES

MARIO CHALMERS

MIAMI HEAT

SAN AN

SAN ANTONIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with