Monta Ellis tinanggihan ang alok ng Milwaukee
MANILA, Philippines - Marami ang nag-iisip ukol sa direksiyon na nais tahakin ng Milwaukee Bucks ngayong 2013 offseason.
Ang tanong ay kung pananatilihin ng team ang mga taong naging sanhi ng kanilang 38-panalo o papalitan ang lahat ng ito.
Lumabas sa Milwaukee Journal Sentinel na nagkaroon ng negosasyon ang Milwaukee at si Monta Ellis ngunit walang napagkasunduan.
Bahagi ng negosasyon ay ang alok ng Bucks sa 27-gulang na guard na two-year extension contract hanggang 2015-16 season, para sa kabuuang $36 million na kontrata sa loob ng tatlong taon, ayon sa source.
Susuweldo sana si Ellis ng average na 12-milyon kada-taon kung tinanggap niya ang karagdagang dalawang taong kontrata.
Hindi kapani-paniwala ang mga pigura, ayon sa ilan.
Madalas gamitin si Ellis noong nakaraang season ngunit hindi mas-yadong efficient.
Noong nakaraang season, nangailangan siya ng 17.5 tira para mag-ave-rage ng 19.2 points.
- Latest