Durant maaaring lumipat sa agency ni Jay-Z
OKLAHOMA CITY, Philippines --- Tumiwalag na si Thunder forward Kevin Durant sa kanyang agent na si Rob PeÂlinka at posibleng lumipat sa Roc Nation Sports, pahaÂyag ng Sports Business Journal.
Iniulat naman ng USA Today na hindi na kukuha si Durant ng agent dahil maglalaro pa rin siya sa Thunder sa 2015-16 season.
Interesado si Durant na lumipat sa kampo ni music mogul Jay-Z dahil sa marketing purposes.
Ang Landmark Sports Agency ni Pelinka ang siÂyang kumatawan kay Durant ng halos 15 buwan maÂtapos siyang makipaghiwalay sa kanyang agent na si Aaron Goodwin noong Pebrero 2012.
Si Pelinka ang agent nina Los Angeles Lakers star KoÂbe Bryant at Houston Rockets guard James Harden.
“We are honored and blessed to have worked on beÂhalf of Kevin, for a brief period of time,†wika ni PeÂlinka kay Durant.
Lumagda ang 24-anyos na si Durant, isang three-time NBA scoring champion at first-team all-league plaÂyer sa nakaraang apat na seasons, ng isang five-year, $85 million contract extension noong 2010.
Ang Roc Nation Sports, inilunsad ni Jay-Z ngaÂyong taon, ay isang partner ng Creative Artists Agency.
Kabilang sa kanilang mga kinakatawan ay sina New York Yankees second baseman Robinson Cano, New York Jets quarterback Geno Smith at Tulsa Shock guard Skylar Diggins.
- Latest