San Antonio nakauna sa game 1 dinale sila ni Parker!
MIAMI -- Nagsalpak si Tony Parker ng isang bank shot sa natitirang 5.2 segundo para tulungan ang San Antonio Spurs sa 92-88 panalo laban sa nagdedepensang Miami Heat sa Game 1 ng NBA Finals.
Hangad ng Spurs ang kanilang pang- limang NBA championship.
“It was a crazy play,’’ wika ni Parker, tumapos na may 21 points at 6 assists. “I thought I lost the ball three or four times. And it didn’t work out like I wanted it to. At the end, I was just trying to get a shot up. It felt good when it left my hand. I was happy it went in.’’
Ipinatikim ng Spurs, huling nagkampeon noong 2007, sa Heat ang ikalimang kabiguan nito sa kanilang balwarte sa Miami ngayong season.
Sa likod ni LeBron James, nakabangon ang Heat mula sa isang se-ven-point deficit sa fourth quarter para makalapit sa dalawang puntos sa hu-ling 30 segundo ng laro.
Nilusutan ng 31-anyos na si Parker si Chris Bosh at naiwasan ang tapik ni Dwyane Wade pasalaksak sa baseline.
At nang makalapit siya sa baseline, sinalubong naman si Parker ni James at saglit na nawala ang pagkontrol sa bola.
Nadulas naman si Parker at napaluhod sa paghahanap ng tiyempo para makatira.
“That seemed like a 26-second possession,’’ ani Miami coach Eric Spoelstra. “But we played it all the way through. That’s probably what this series is about. It’s going to go down to the last tenth of a second. Every single play you have to push through all the way to the end, and we didn’t.’’
Tumayo si Parker at iniwasan ang galamay ni James at pinakawalan ang isang bank shot bago tumunog ang shot-clock buzzer.
“Tony did everything wrong and did everything right in the same possession,’’ ani James. ‘’He stumbled two or three times. He fell over. And when he fell over, I was like, ‘OK, I’m going to have to tie this ball up. ... That was the longest 24 seconds that I’ve been a part of.’’
- Latest