NLEX vs Blackwater D-League Finals lalarga na
FINALS (best-of-3)
NLEX vs Blackwater Game 1 - NGAYON, 3 p.m.
(Ynares Sports Arena,
Pasig City)
Game 2 - June 11 3 p.m.
(Ynares Sports Arena,
Pasig City)
Game 3 - June 13, 3 p.m.
(Ynares Sports Arena,
Pasig City)
MANILA, Philippines - Mahalagang 1-0 bentahe ang paglalabanan ngayon ng NLEX Road Warriors at Blackwater Sports sa pagbubukas ng PBA D-League Foundation Cup finals ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Hanap ng Road Warriors ang ikalimang sunod na titulo sa liga habang magpapataas sa morale ng Elite ang puntiryang unang titulo sa D-League.
Ang laro ay magsisi-mula sa ganap na ika-3 ng hapon at walang duda na ang tropa ni coach Boyet Fernandez ang siyang napapaboran sa championship series na inilagay sa best-of-three series.
Nasa koponan ang championship experience bukod pa sa mga stars tulad nina RR Garcia, Garvo Lanete at 7-footer Greg Slaughter.
Pero hindi nagpapadala sa anumang buyo si Fernandez dahil alam nilang uhaw ang tropa ni coach Leo Isaac.
“Blackwater is a strong team and a well-coached team. This will be a tough but exciting series,†wika ni Fernandez.
Hindi basta-basta pata-talo ang Elite na pumasok sa Finals nang lusutan ang Boracay Rum sa tatlong mahigpit na labanan.
“I keep telling my boys that to make a mark in this league, you have to challenge NLEX. This is the time to do it,†wika ni Isaac.
Ang pagtutulungan ng kanyang mga manlalaro tulad nina Allan Mangahas, Gio Ciriacruz, Kevin Ferrer at Justin Chua ang aasahan ni Isaac.
- Latest
















