Dating NBA player kritikal sa car accident
ATLANTA -- Nasa kritikal na kondisyon si dating NBA player Mookie Blaylock sa isang Atlanta hospiÂtal matapos masangkot sa isang aksidente sa kotse noÂong Biyernes.
Sinabi ni Jonesboro Police Chief Frank Allen na inÂalis na sa 46-anyos na si Blaylock ang life support nang gumanda ang kanyang kondisyon.
Si Blaylock, naglaro sa Atlanta Hawks sa halos kaÂbuuan ng kanyang NBA career, ang nagmamaneho sa kanÂyang 2010 Cadillac Escalade sa Clayton County sa Atlanta nang lumipat siya ng linya at nasalpok ang isang minivan.
“We have reason to believe he may have suffered a seiÂzure,†sabi ni Allen. “He had been previously treaÂted for a seizure disorder.â€
Nasugatan naman ang mag-asawang nakasakay sa miÂnivan at dinala sa Atlanta Medical Center.
Naglaro si Blaylock sa NBA mula noong 1989 hanggang 2002.
Dalawang beses siyang hinirang na NBA All-Defensive First Team.
Naglaro siya para sa Hawks mula 1992 hanggang 1999 bago kumampanya para sa New Jersey Nets at Golden State Warriors.
Isang arrest warrant ang inisyu para kay Blaylock noÂong Mayo 21 nang mabigong humarap sa korte daÂhil sa kanyang drug possession at drunken driving charÂges.
- Latest