Andersen pinatawan ng suspensyon
MIAMI -- Isang one-game suspension ang ipinataw ng NBA kay Miami Heat forward Chris Andersen dahil sa dalawang beses na pagtulak kay Indiana PaÂcers forward Tyler Hansbrough sa Game 5 ng kaÂnilang serye.
Matapos rebyuhin ang naturang laro, itinaas sa FlaÂgrant-2 ang naunang Flagrant-1 foul ni Andersen, ayon kay NBA executive vice president of basketball opeÂrations Stu Jackson.
Tumumba patalikod si Hansbrough sa sahig matapos itulak ni Anderson sa 9:02 sa second quarter sa 90-79 panalo ng Heat kontra sa Pacers sa Game 5 ng kaÂnilang Eastern Conference finals sa Miami.
Hindi maglalaro si Andersen sa Game 6 sa IndiaÂnaÂpolis.
Noong Biyernes ay sinabi ni NBA Commissioner DaÂvid Stern sa NBC Sports Radio na dapat ay kaagad na pinatalsik sa laro si Andersen.
“I do think he should have been ejected. I looked at the replays and, it seems to me, there was no immeÂdiate push or shove of him. He just hauled off and knocked down Tyler Hansbrough. I don’t know what he was doing. And then he pushed him. And then he did not go gracefully to the bench,†ani Stern.
- Latest