^

PM Sports

Robinson baka hindi na sa Bulls lumaro

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi lang si Nate Robinson ang scoring punch ng Bulls sa playoffs, siya rin ang sumisimbolo ng puso ng koponan.

Gumawa si Robinson ng mga ‘di malilimutang performances para sa kanyang puro-injury na team sa kanilang second round run kabilang ang pagunguna sa Chicago sa makapigil hiningang triple-overtime win kontra sa Nets sa Game 4 ng naturang series, at tumulong sa Bulls na agawin ang Game 1 sa serye nila ng defending champion Miami Heat.

Hindi agad malilimutan ng mga Bulls fans si Ro-binson sa kanyang mga nagawa ngayong  season pero posibleng hindi na rin siya lumaro sa Chicago sa susunod na season.

Bilang unrestricted free agent, inaasahang maghahanap si Robinson ng multi-year deal na mas malaki kaysa sa kanyang tinatanggap sa Chicago na hindi pa fully guaranteed sa simula ng season.

Bukod sa magiging isyu ang pera, inaasahang magiging malalim ang guard position ng Bulls kapag bumalik na ang mga may injury kaya lalong mawawalan ng lugar si Robinson.

Si Robinson ay nag-average ng 16.3 points, 2.7 rebounds, at 4.4 assists sa 33.7 minutes per game sa playoffs.

BILANG

BUKOD

BULLS

GUMAWA

MIAMI HEAT

NATE ROBINSON

ROBINSON

SI ROBINSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with