^

PM Sports

NU vs Ateneo sa finals

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ng mga kamador ng National University na masayang ang magandang naipakita ng koponan sa unang bahagi ng torneo nang angkinin ang 24-26, 25-20, 25-15, 25-22, panalo sa Adamson University sa pagtatapos ng Shakey’s V-League Season 10 First Conference  semifinals kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Sina Dindin Santiago at Myla Pablo ang namuno sa opensa, si Rubie de Leon ang nag-set ng plays habang ang floor defense ay pinamahalaan ni Jennylyn Reyes para makabangon agad ang Lady Bulldogs mula sa pagkatalo sa first set at wakasan ang Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s gamit ang 2-1 iskor.

May 24 hits ang 6’2” na si Santiago na kinatampukan ng 19 kills at 5 blocks, habang may 15 attack points at 5 blocks din tungo sa 20 hits si Pablo para pamunuan ang kinuhang 57-45 at 15-11 bentahe sa attack at block departments.

Tig-dalawang aces ang binira nina Jaja Santiago at De Leon na dinurog ang Lady Falcons setter na si May Jennifer Macatuno sa kinamadang 37 excellent sets kontra sa 21 lamang ng katapat.

Ang Game One sa best-of-three finals sa pagitan ng NU at two-time defending champion Ateneo ay bubuksan sa Huwebes (Mayo 23) sa Mall Of Asia Arena sa Pasay City at ang ilang araw na pahinga ay gagamitin ng dalawang koponan para matiyak na magiging klasiko ang magaganap na tagisan.

 

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ANG GAME ONE

DE LEON

FINAL FOUR

FIRST CONFERENCE

JAJA SANTIAGO

JENNYLYN REYES

LADY BULLDOGS

LADY FALCONS

MALL OF ASIA ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with