Atlanta kukuha ng European head coach
ATLANTA -- Handa na si general manager Danny Ferry at ang Atlanta Hawks na pakawalan si All-Star Josh Smith sa free agency market.
Isang European-born coach ang minamataan din ng Hawks.
Si Ettore Messina, isang Italian coach na nagmamando sa CSKA Moscow, ay isa sa mga top candidates para palitan si coach Larry Drew.
Nakausap na ni Messina si Ferry sa London kamaÂkailan.
Ang 53-anyos na si Messina ay isang two-time EuÂroleague Coach of the Year at may pinagsamang siyam na titulo mula sa Russian at Italian professional leagues.
Si Messina ay dating miyembro ng coaching staff ni Mike Brown sa Los Angeles Lakers noong 2011.
Kinuha ng Hawks si Ferry noong nakaraang taon at pumirma ng isang six-year, $12 million contract.
Nagkainteres din si Ferry na kunin si Stan Van GunÂdy at naging kakampi siya ni Quin Snyder sa Duke University.
Si Snyder ay dating assistant coach ni Messina, nagÂsasalita ng Ingles at nagtuturo ng NBA-style, attacking offensive game.
Tanging sina Al Horford, John Jenkins at Lou Williams ang may guaranteed contracts sa Hawks.
- Latest