^

PM Sports

Alaska dinomina ang Gin Kings

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatahimik ng Alaska ang libu-libong Ginebra crowd nang kanilang hiyain sa kanilang harapan ang Kings matapos kunin ang Game-1, 87-70 sa pagbubukas ng kanilang best-of-five championship series sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Maaga pa lamang ay pinasiklaban na ng Aces ang Kings nang hindi nila pinaiskor sa first quarter ang Ginebra para isara ang unang canto sa 14-0 at umabot sa 22-puntos ang kalamangan ng Aces, 28-6 kaya walang ginawa ang Ginebra kungdi maghabol sa kabuuan ng laro.

Samantala, nagtabla sina Ginebra top playmaker LA Tenorio at Alaska Milk super rookie Calvin Abueva sa statistical points matapos ang PBA Commissioner’s Cup Final Four na lalong magpapainit ng labanan para sa  Best Player of the Conference na ihahayag sa Linggo.

Tumapos si Abueva na may pinakamataas na SP total na 480 points ngunit si Tenorio ang may pinakamataas na SP average na 28.5 points,  150 nito ay ga-ling sa won-game bonus points.

Sa kanyang average na 11.7 points, 8.9 rebounds, 1.3 assists, 0.7 steal at 0.7 block, lumikom si Abueva ng kabuuang  401 statistical points o average na 28.5.

Nagsumite naman si Tenorio ng 28.3 SPs mula sa kanyang 13.8 points, 5.0 rebounds, 5.1 assists, 1.9 steals at 0.1 block.

ALASKA 87 - Jazul 16, Dozier 14, Thoss 12, Abueva 10, Casio 10, Baguio 10, Espinas 9, Dela Cruz 4, Hontiveros 2, Belasco 0.

Ginebra 70 - Macklin 16, Tenorio 14, Raymundo 9, Helterbrand 7, Espiritu 6, Labagala 4, Urbiztondo 4, Maierhofer 4, Mamaril 2, Caguioa 2, Ellis 1, Baracael 1, Wilson 0,

Quarterscores: 28-6, 46-24, 67-48, 87-70.

vuukle comment

ABUEVA

ALASKA MILK

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

CALVIN ABUEVA

CUP FINAL FOUR

DELA CRUZ

GINEBRA

POINTS

SMART ARANETA COLISEUM

TENORIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with