1-0 lead pag-aagawan ng 4 koponan sa semifinals series ng Shakey’s V-League
MANILA, Philippines - Agawan sa 1-0 kalaÂmaÂngan ang mangyayari sa apat na nakatayong koÂponan sa semifinals ng Shakey’s V-League SeaÂson 10 First ConfeÂrence ngaÂyon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Inaasahang hitik ng maÂÂnonood ang masisilaÂyan sa unang laro sa best-of-three semifinals series dahil sa walang puknat ang aksyong mapapanoÂod sa mga koponan ng AteÂneo-UST at National UniÂversity-Adamson.
Ang magwawagi ay magÂkakaroon ng pagkaÂkaÂtaon na wakasan ang serÂye sa Huwebes na gaÂgawin sa Mall of Asia AreÂna sa Pasay City.
Dahil alam ang kahaÂlagahan ng bawat laro sa playoffs, kinuha ng koÂponan ni coach Roger GoÂrayeb ang serbisyo ni Thai import Jeng Bualee paÂra palalimin ang pagÂkuÂkuÂnan ng puwersa na daÂti ay iniaatang kina RaÂchel Ann Daquis, Fille Cainglet, Alyssa Valdez at Jem FerÂrer.
Si Bualee ay dating imÂport ng San Sebastian at siyang leading scorer ng liga mula sa kanyang 158 hits na kiÂnatampukan ng 149 attacks.
Aasa naman ang TigÂresÂses sa kaÂnilang mga manÂÂlalaro para maÂpalakas ang tsansang maÂkuha ang ika-pitong tiÂtuÂlo sa liga.
Sina Aiza Maizo at MaiÂka Ortiz ang aasahan, ngunit naririyan din ang ibang manlalaro katulad nina Carmela Tunay, Pam Lastimosa, Jessey de Leon, Rhea DimaculaÂngan at ang mga nagbabaÂlik na sina Maruja BanaÂticÂla at Judy Caballejo.
Patok naman ang LaÂdy Bulldogs kontra sa LaÂÂdy Falcons dahil hindi pa natatalo ang National UniÂÂversity matapos ang anim na laro.
Ilan sa mga manlalaro ng NU ang pinakamahusay sa liga sa pangunguna ni 6-foot-2 Dindin Santiago na No. 2 sa scoring sa kanyang 118 hits mula sa 90 kills, 20 service aces at 8 blocks.
- Latest