Kahit talo sa boxing ring, sigurado naman ang panalo sa eleksyon ni Manny
MANILA, Philippines - Habang walang katiyakan ang kanyang panalo sa boxing ring, sigurado naman ang tagumpay ni Manny Pacquiao sa political ring.
Hangad ng Filipino boxing superstar ang kanyang ikalawang sunod na termino bilang Congressman ng Sarangani sa Mindanao.
Isang boto lamang ang kanyang kailangan dahil wala siyang kalaban para muling makakuha ng isang three-year term bilang miyembro ng Congress.
Ang tanging makakapigil sa panalo ng 34-anyos na si Pacquiao ay kung ipagpapaliban ang eleksyon.
Ngunit hindi ito mangyayari.
Ilang buwan ang ginugol ni Pacquiao para sa kanyang isinagawang pa-ngangampanya.
Ngunit noong nakaraang linggo ay pumayag siyang labanan si Brandon Rios sa Macau sa Nobyembre 24.
Ito ang unang laban niya matapos mapatumba ni Juan Manuel Marquez sa Las Vegas noong Dis-yembre, 2012.
Noong Hunyo 2012 ay binigo siya ni Timothy Bradley, Jr. via split decision.
Ang asawa ni Pacquiao na si Jinkee at na-kababatang kapatid niyang si Roel ay tumakbo rin sa eleksyon.
Si Jinkee ay tumatakbo bilang vice governor sa Sarangani, habang si Roel ay nangangarap naman na maging Congressman sa first district ng South Cotabato.
Halos tiyak na ang panalo ni Jinkee, ngunit mahihirapan naman si Roel kay Rep. Pedro Acharon na dating kasama ni Pacquiao.
May posibilidad na tatlong Pacquiao ang mananalo sa eleksyon.
- Latest