Westbrook nahihirapang magrekober
OKLAHOMA CITY -- Inaasahang magsasaklay si All-Star point guard Russell Westbrook ng apat hangang limang linggo sa kanyang pagrerekober mula sa operasyon sa tuhod na dahilan kaya hindi ito nakalaro sa playoff run ng Oklahoma City.
Nagkaroon si Westbrook ng kanyang unang interview session nitong Huwebes sapul nang maopera-han para ayusin ang cartilage sa kanang tuhod. Nagka-injury siya sa Game 2 ng first-round playoff series ng Oklahoma City kontra sa Houston.


Ang Thunder ay may 3-3 record na wala si Westbrook at papunta sila ng Memphis nitong Sabado para sa Game 3 ng Western Conference semifinals. Ang kanilang serye at tabla sa 1-1.


Hindi nag-miss ng laro si Westbrook sa regular season o playoffs sa kanyang limang NBA seasons bago ito nadisgrasya at hindi rin siya nagkaroon ng seryosong injury noon.
“It’s tough, man,’’ ani Westbrook pagpasok sa interview room na nakasaklay. “I don’t want to let my team down. I want to compete. I love playing. I want to play in every game as long I’m able to walk, but this time I wasn’t able to walk around like I’m supposed to.’’

Sa pagkawala ni 
Westbrook pumasok ang se-cond-year guard na si Reggie Jackson sa starting lineup at nadagdagan ang trabaho ni three-time NBA scoring champion Kevin Durant.
Si Durant ay nag-a-average ng 35.5 points, 10.5 rebounds at 6.3 assists sapul nang magka-injury si Westbrook.


“I think we have a tough group of guys finding a way to win games. The group of guys we have, I think we have enough to get a ring,’’ ani Westbrook. “In my honest opinion, we’ve been together long enough to be able to figure things out when guys go down, and I think you can see that.’’


Hindi nakakasama si Westbrook sa biyahe ng team kaya wala ito sa Memphis nitong weekend. Sinabi niyang sumi-sipot siya sa mga practice, nakikihalubilo sa kanyang mga teammates at sinisikap niyang maging normal ang mga game days bagamat hindi siya nakakalaro.
- Latest