Beasley iniimbestigahan
SCOTTSDALE, Ariz. – Iniimbestigahan ng Scottsdale police si Phoenix Suns forward Michael Beasley kaugnay sa diumano’y kasong sexual assault.
Ayon kay police spokesman Officer David Pubins, ang alegasyon ay may kinalaman sa insidente na nangyari noong Jan. 13.
Ayon kay Pubins, kinakausap pa isa-isa ang mga sangkot at naghahanap pa ng physical evidence para matukoy kung nararapat na magsampa ng kaso.
Wala pang kongkretong detalye.
Walang sumagot sa mga tawag sa mga team officials ng Phoenix at hindi rin agad nag-return call para sa komento nitong Martes.
Hindi rin malinaw kung si Beasley ay may abogado nang kumakatawan sa kanya.
Si Beasley ang pinakamalaking isdang nabingwit ng Phoenix noong 2012 offseason matapos pumirma ng three-year, $18 million contract.
Siya ang No. 2 overall pick noong 2008 draft.
Si Beasley ay nasangkot na rin sa gulo noon. Nahuli na rin siya sa kasong speeding, pagmamaneho kahit suspindido ang lisensiya, pagmamaneho ng walang license plate o registration.
- Latest