Golden Hue nagpakita ng husay para sa panalo noong Huwebes
MANILA, Philippines - Nanggulat ang kabayong Golden Hue sa pagdadala ng Class D jockey RC Barette nang lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nagbigay pa ng suwerte sa isang karerista noong Huwebes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Buo na dumating ang kabayong di napaboran dahil tumapos lamang sa ika-limang puwesto noong Abril 21 sa Metro Turf Club para pagharian ang 14 na kabayong nagtagisan sa 2013 PRHTAI/Horseman’s Lair Bar and Grill OTB na inilagay sa 1,400 metrong disÂtansya.
Sa rekta nag-init ang Golden Hue para kunin ang liÂderato mula sa naunang lumayo na Northern Arrow baÂgo isinantabi ang lakas din ng pagdating ng Pretty Bull na hawak ni CJ Reyes.
Nagpasok ang hindi inaasahang panalo ng Golden Hue ng P81.50 sa win, habang ang dehadong 1-14 kumÂbinasyon sa forecast ay nagbigay ng P2,051.00 diÂbidendo.
Naunang nagpasikat ang Good Move sa race three na siyang nagpasimula sa second set ng Winner-Take-All.
Full gate rin itinakbo ang karerang para sa mga kaÂbayong nasa class division 1 at ang naunang piÂnaboran na Gintong BiÂyaya ay hindi napanatili ang maagang pagÂdadala sa liderato nang tumapos sa pang-apat lamang.
Ang Good Move na sakay ni JA Guce ay ruÂmemate mula sa pang-anim na puwesto at mula sa labas ay inabutan ang Just In Time sa huling 75-metro tungo sa dalawang dipang panalo.
May P54.00 ang ibiÂniÂgay sa win, habang P283.50 ang ipinasok sa 14-7 forecast.
Masuwerteng naisama sa taya ng isang dehadista ang Good Move at Golden Hue para maibulsa ang P1,260,942.00 dibidendo sa 2nd WTA na binuo ng kumbinasyong 14-4-9-6-5-6-1.
- Latest