Ano ang naghihintay sa Los Angeles Lakers?
LOS ANGELES -- Matapos tiisin ang isang roller-coaster season na inilarawan ni Hall of Famer Earvin ‘Magic’ Johnson bilang ‘one of the worst’ sa kanilang franÂchise history, nagkakamot ng kanilang ulo ang mga Los Angeles Lakers fans ukol sa susunod na mangyayari.
Ikinunsiderang championship contenders maÂtapos mabuo ang isang star-studded lineup para sa 2012-13 campaign, nawalis ang Lakers ng San Antonio Spurs sa kanilang first-round playoff series.
Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 46 na nasibak sila sa post-season.
Ang Lakers ang sinasabing hahamon sa itinalang reÂcord na 72 panalo ng Chicago Bulls sa 1995-96 reÂgular season.
Sa kabila ng pagpaparada kina All-Stars Kobe Bryant, Pau Gasol, Dwight Howard at Steve Nash, nalasap pa rin ng Los Angeles ang 45-37 record.
Bagamat tinapos nila ang regular season sa isang 28-12 run patungo sa playoffs bilang seventh-seeded team, nagkaroon naman si Bryant ng isang Achilles tenÂdon injury.
“Dwight Howard that was a big No, No. Your teamÂmates and the fans were counting on you,†ani JohnÂson sa kanyang Twitter account. “Dwight, I’ve been swept before but I never let my team down by getting kicked out of the game.â€
Nakatuwang ni Johnson si Hall of Famer Kareem Abdul-Jabbar sa paggiya sa Lakers sa ‘Showtime’ era muÂla 1979 hanggang 1989.
- Latest