Villanueva panalo sa Obstacle Challenge
DIGOS CITY, Philippines – Nagpakitang-gilas ang dalawang magtukayong rookies na sina Chris Ellis ng Barangay Ginebra at Chris Tiu ng Rain or Shine sa skills events ng PBA All-Star Week sa Davao del Sur Coliseum (daÂting Sports, Cultural at Business Center ng Davao del Sur) kagabi, samantalang napanalunan naman ni JoÂnas Villanueva ng Barako Bull ang pang-apat niyang sunod na titulo sa Obstacle Challenge.
Tinalo ni Ellis ang kakamping si Elmer Espiritu 93-70 (44, 49-45, 25) sa Finals ng Slam Dunk Contest para maging pang-limang rookie na nanalo ng event matapos sina Gabe Norwood (2009), Brandon Cablay (2003), Joey Mente (2001) at Vergel Meneses (1992).
Nagtagumpay naman si Tiu sa Three-Point Shootout Contest para maging pangatlong rookie na nanalo sa event makaraan sina Jimmy Alapag noong 2003 at Jasper Ocampo noong 1998.
Nagtala ng record-tying 21 points sa finals si Tiu para talunin sina Niño ‘KG’ Canaleta ng Air21 at JVee Casio ng Alaska nagtala ng 18 at 13, ayon sa pagkakaÂsunod.
Tinabla ni Tiu ang record na 21 sa Three-Point ShootÂout na naitala sa Finals din nina dating champions James Yap (2009), William Antonio (2006) at Allan Caidic (1991).
Naging runner-up sa pangalawang sunod na taon sa Three-Point Shootout si Canaleta na pumaÂngalawa kay Mark Macapagal, ang three-time defending champion, noong nakaraang taon.
Hindi nakalagpas ng eliÂmination round si MaÂcaÂpagal mula sa kanyang 11 puntos at tumabla sa pang-apat na puwesto.
Ang Top 3 sa elims ang pumasok sa Finals.
Nagtala naman ng 26.3 segundo na winning time si Villanueva paÂra talunin sa finals sina Ellis ng Ginebra (28.1) at Pamboy Raymundo ng Talk ‘N Text (30.3).
Ang winning time ni Villanueva ang paÂngaÂlawang all-time na piÂÂnaÂkamabilis na oras sa Obstacle Challenge mula nang simulan ito noong 2003.
Sumunod ito sa naÂiÂtaÂlang 25.5 segundo ni WilÂlie Miller nang manalo siÂya sa Bacolod City noÂong 2008.
- Latest